[Verse 1]
Ilang beses ko bang sinabi sa sarili(**)
Habang pilit hinahabol ang anino ng liwanag.
Lalo lang akong hindi makawala(**)
Iyon lang ang totoo.
[Verse 2]
Sino ba(**)
Ang unang nagpasyang ibigay ang puso?
Wala nang lunas sa pag-ibig na nagliliyab(**)
Ayokong pigilan, hayaan na lang!!!(**)
[Chorus]
Pangalan mong nakaukit "sa 'king puso"
Kinalimutan ang paglipas ng mundo.(**)
Isang kasinungalingan, pinangatawanan habambuhay.(**)
Minsan nang lumaban sa agos ng buhay(**)
Kahit paghinga'y tila naging isang luha(**)
Kung may susunod man, iibigin kitang muli.(**)
[Verse 3]
Nasaan na-
Ang mga panahong tayo'y sabay "sa hamon ng buhay" ?(**)
Kung sakaling mababalik ang takbo ng orasan
Sana'y hindi ko na binatawan
Ang iyong mga kamay(**)
Chorus]
Pangalan mong nakaukit "sa 'king puso"
Kinalimutan ang paglipas ng mundo.(**)
Isang kasinungalingan, pinangatawanan habambuhay.(**)
Minsan nang lumaban sa agos ng buhay(**)
Kahit paghinga'y tila naging isang luha(**)
Kung may susunod man, iibigin kitang muli.(**)
[Outro]
Nakaukit sa 'king puso, ang pangalan mo
Hinahanap ka sa hangin, pilit ka mang nagtago
Kahit hindi na umikot ang mundo
Ako'y mananatili sa 'yo
Pangalan mong nakaukit sa 'king puso