[Verse]
Para sa iyo, asawa ko, Elias Gulane
Hindi ka man palamuti ng matatamis na salita,
Hindi rin masyadong magiliw o mapaglaro,
Ngunit sa bawat galaw at pawis na pumapatak,
Nakikita ko ang pag-ibig mo na tapat at totoo.
Ikaw ang haligi na matibay at matatag,
Sa hirap at ginhawa, laging nagsisikap.
Junjun, ikaw ay dedikado sa trabaho, masipag at masigasig,
Upang matugunan ang pangangailangan ng buong pamilya natin
[Chorus]
Ang iyong panahon, lakas, at lahat ng kakayahan,
Laging iniaalay para sa aming kapakanan.
Kahit pagod ka na at may bigat na dinadala,
Hindi mo inuuna ang sarili, kundi kami palagi sa dulo at simula.
[Verse]
Sa likod ng iyong tahimik na pamamaraan,
Nakatago ang pagmamahal na walang kapantay.
Salamat sa iyo, aking mahal na asawa
Ikaw ang biyaya at yaman na aking tinatangi at inaasam.
[Bridge]
Sana tayo pa rin hanggang sa dulo
Sana tayo pa rin hanggang sa dulo...
[Chorus]
Mahal kita, hindi dahil sa paraang nakasanayan ng iba,
Kundi dahil sa puso mong tapat at puno ng pangangalaga.
Ikaw ang aking sandigan, lakas, at pag-asa,
Junjun, ang pinakamahusay na regalo na tinanggap ko mula sa Maykapal.