[Intro – Spoken Word, sarcastic tone, over distorted guitar riff]
Hoy mga politiko…
(🎤 Crowd: “Magnanakaw!”)
Paano natitiis ng sikmura niyo,
na ang kinakain ng pamilya niyo,
(🎤 Crowd: “Nakaw! Nakaw!”)
galing sa pawis at buwis ng mahihirap?
[Verse 1]
Magpapicture, smile, idol ng masa,
pero pera ng bayan, nilustay sa para-pra.
Sabihin pang “Against corruption kami,”
pero S.O.P. ang kanta sa gabi.
Mga makapalamukha, wala kayong konsensya,
(🎤 Crowd: “Wala! Wala!”)
Simba tuwing Linggo, pero bulsa’y pruweba.
Nagdarasal habang nagbubulsa,
dugo’t pawis ng mahirap ang inaalay n’yo pala!
[Hook – Sarcastic Chant]
Against corruption daw… (🎤 Crowd: “Ha? Ha!”)
Tutulong daw sa tao… (🎤 Crowd: “Saan? Saan?”)
Build-build-build lang, kontrata ay cut-cut-cut,
May nakinabang ba?
(🎤 Crowd: “Bulsa! Bulsa!”)
[Verse 2]
May honest pa ba? o lahat puro dumi?
Mga mayor ilang dekada, pero bayan, walang gani.
Asenso sa pamilya, pero wala sa masa,
lahat ng proyekto may patong, S.O.P. ang bala.
[Bridge – Mock Prayer, sarcastic]
“Bless this food we stole, Lord…
Bless this house na nakatayo sa nakaw…
Salamat sa tax ng mahirap,
na ginawang lechon sa handaan namin!”
(🎤 Crowd: “Kapal! Kapal!”)
[Verse 3]
Sa harap ng kamera, puro ngiti at drama,
(🎤 Crowd: “Arte! Arte!”)
pero sa likod ng mesa, puro pirma sa anomalya.
Kontrata dito, project doon, pirmahan agad,
(🎤 Crowd: “Lagda! Lagda!”)
kahit bituka ng bayan, inuulam nila’t ginagatasan lang.
Mga pa-press con, kunwari daw matuwid,
(🎤 Crowd: “Kunwari!”)
pero bulsa nila’y laging abot-langit.
Kung tutulong daw, bakit may kapalit?
(🎤 Crowd: “S.O.P! S.O.P!”)
Kapal ng mukha, pati Diyos niyo nawiwindang na sa init!
[Verse 4]
Tingnan mo ang bayan, ilang dekada na ang takbo,
(🎤 Crowd: “Pareho! Pareho!”)
may kalsada nga, pero butas pa rin ang bulsa ng tao.
Mga project niyo, parang stage show lang,
may ribbon-cutting pero kita’y pinagsaluhan.
At kayong mga tagahanga na bulag sa idolo,
(🎤 Crowd: “Idol! Idol!”)
iniidolo niyo pala ay magnanakaw ng totoo.
Kayo ang dahilan kung ba’t sila’y buhay na hari,
kasi binubusog niyo pa rin ang mga walang hiya’t mandarambong sa salapi
[Hook – Crowd Chant, heavier beat]
Mga walang konsensya! (🎤 Crowd: “Oo! Oo!”)
Mga makapalamukha! (🎤 Crowd: “Oo! Oo!”)
Mga dasal pa more, pero bulsa pa rin ang diyos!
(🎤 Crowd: “Diyos! Diyos ng bulsa!”)
[Outro – Declaration]
Kaya ngayon, magbabantay ang mamamayan,
(🎤 Crowd: “Watchdog! Watchdog!”)
Independent Citizen Watch Dog, tututok sa kalokohan.
Kung saan kayo nandiyan, doon namin ilalantad,
ang kababuyan niyo, sa rap, sa masa, sa galit ng bayan! Bato bato sa langit ang tamaan sapul! I.C.W. Represent!