Ang Samsung Dual Messenger (“Serbisyo”) ay isang serbisyo na nagbibigay ng isang madaling paraan upang gumamit ng dalawang account para sa iyong mga messaging application (“Messenger App”).
Sa Serbisyo na ito, maaari kang gumamit ng dalawang messaging account nang tuluy-tuloy at hiwalay.
Pakitandaan ang mga sumusunod bago gamitin ang Serbisyo na ito.
1. Ang paggamit sa Serbisyo na ito o sa mga feature ng Messenger App ay maaaring pinaghihigpitan depende sa mga internal na patakaran ng provider ng Messenger App, atbp., at maaaring hindi maging available ang Serbisyo na ito para sa ilang Messenger App o maaaring limitado ang mga function ng mga ito.
2. Kung sakaling mag-i-install ka ng pangalawang Messenger App gamit ang Serbisyo na ito, maaaring pinaghihigpitan ang ilang feature ng pangalawang Messenger App. TANDAAN NA KUNG IDE-DELETE MO ANG UNANG MESSENGER APP, AWTOMATIKO RING MADE-DELETE ANG PANGALAWANG MESSENGER APP.
3. Maaaring pinaghihigpitan ang Serbisyo nang buo o hindi buo kung sakaling gumagamit ka ng launcher na ibinigay ng isang third party.
4. Maaaring magbigay pana-panahon ang Samsung ng mga update at upgrade upang pahusayin ang Mga Serbisyo nito at sa ilang pagkakataon ay maaaring baguhin o hindi ipagpatuloy ang ilang feature pagkatapos ng mga naturang update at upgrade.
5. Ang functionality ng mismong Messenger App ay ibinibigay ng provider ng Messenger App at walang responsibilidad o pananagutan ang Samsung kaugnay ng functionality ng mismong Messenger App.