Verse 1
Hi babylove, may kwento akong gustong ikanta
at sana mapakinggan mo, ganito kasi yon….
Mag-isa akong gumising, tahimik ang bahay
Paulit-ulit ang scroll, palipas ng oras lang
Holy Week noon, bakasyon, walang ginagawa
Isang ads ang dumaan, di ko alam bakit sinubukan
Nag-download lang, walang inaasahan
Nakipag-usap sa ilan, walang pinupuntahan
Hanggang sa dumating ka, biglang may kakaiba
Sa dami ng tao, ikaw ang nakita
Pre-Chorus
Tahimik lang ako, ikaw ang makulit
Inistalk mo ko, aminin mong ika'y papansin oo
Hindi ko alam kung bakit sa’yo
Pero gusto kitang makilala, kahit konti lang muna
Chorus
Sa dami ng scroll, sa’yo ako huminto Smirnoff
Sa dami ng mukha, ikaw ang ka'y Ginger tumama
Walang plano, walang kasiguraduhan
Pero gabi-gabi, ikaw ang kausap
Kahit malayo ka, kahit LDR pa
Ikaw ang pahinga ng isip ko
Hindi ko hinanap ang pag-ibig
Pero sa’yo, kusa itong dumating
Verse 2
Isang araw naglakas-loob kang magtanong
Kung pwede bang makilala pa ako nang lubos
Binigay ko ang FB, sabay delete, maling akala lang
Biglang nawala, akala ko hanggang doon na lang
Pero may notif sa message request
Pangalan mo aking nakita
Ako'y paring hinanap at nag friend request
At doon nagsimula ang mahabang usapan
Mga tawanan, kwentuhan, hanggang madaling araw
Pre-Chorus 2
Araw-araw, gabi-gabi, walang patayan ng call
Unti-unting naging komportable ang lahat
Hanggang sa umalis ka, Spain to Norway,
Apat na oraw, anim na oras ang pagitan
ilang araw ding nawalay na walang Taray sa tabi ko
Hindi ko alam na ganun pala kita mamimiss nang sobra
Chorus
Sa dami ng scroll, sa’yo ako huminto
Sa dami ng tanong, ikaw pa rin ang sagot ko
Ayoko din umamin, pero halata naman
Sa mga banat mo, sa mga titig mo, sa kilig natin na ‘di mapigilan
Kahit malayo ka, kahit mahirap
Ikaw ang pinipili ko araw-araw
Walang label noon, pero ramdam ko
Na ikaw ang gusto kong mahalin
Bridge
Isang linggong ligawan, muntik na tayong sukuan
Pero bakit ba kasi, ikaw pa rin ang hinahanap ko
Ngayon tatlong taon na, walang iwanan
Dalawang pusong piniling maghintayan
Final Chorus
Sa dami ng scroll, sa’yo ako huminto
Hindi ko inaasahan, pero ikaw ang mundo ko
Binago mo ang takbo ng buhay ko
Binigyan mo ng direksiyon ang bawat araw ko
Mahal na mahal kita, An-drea Gomez
Ikaw ang dasal na sinagot ng panahon
Soon, hindi na screen ang pagitan natin
Kundi mga yakap na matagal nating inipon
Outro
Kung sa app man tayo nagsimula
Sa totoong buhay, doon kita pipiliin
Hanggang sa huli, ikaw at ako
Sa’yo nagtatapos ang lahat ng paghahanap ko