Ikaw pala 'yung taong hindi ko nakita agad,
dahil sobrang busy ako...
kakapanood ng K-drama
April nine, sa Makati
Sa reflection phone, may mukha akong nakita
Busy ako noon, wala sa plano
Pero doon pala magsisimula ang bago
Bumati ako, kahit ‘di sigurado
“Parang kilala kita
Akala ko si Jen ka, ‘yung kaklase ko dati
Pero ibang pangalan ang sinabi mo — “Jak,”
Kaya napangiti ako...
Maling akala, pero tamang tao pala
May lighter akong dala, galing Thailand
Pasalubong sana, pero sa'yo pala nakalaan
Nag-umpisa sa text, sa pila ng shuttle
At sa bawat araw, ikaw ang naging paborito kong abangan.
Hanggang sa araw-araw tayong magka-text
Nag-aantayan sa pila, mag katabi sa shuttle
At sa bawat gabi na ikaw ang kausap ko
Mas lalo kang naging paborito kong tanong at sagot
Hindi ko alam kung kailan ako nahulog
Pero sigurado akong sa’yo ako bumagsak ng buo
May 17, gabi ng Papajeks
Inaya mo ‘ko dalawa lang tayo, walang iba
Sabi mo, “Dito ka na matulog, gabi na, delikado na
Kaya sa bahay mo ako umuwi, tahimik,
Pero malakas ang tibok ng puso kong takot sa dilim
Sabi mo Hawakan mo ‘yung kamay ko
Kaya mas lalo kitang naramdaman
Hanggang sa wala nang pagitan
Hinalikan kita
Akala ko 'di mo gugustuhin
Pero sinagot mo 'ko ng halik
Kinaumagahan, akala ko…
Lasing ka lang kagabi
Pero binigyan mo 'ko ng halik
At ng Pepsi Blue
Tila ba sinabi mong:
"Ayoko nang kalimutan ang simula
Kahit may boyfriend ka noon
At sinabing “komplikado,”
Nagpasalamat pa rin ako…
Dahil ako ang pinili mo
At sa kabila ng dapat hindi…
Tayo pa rin ang naging tama sa huli
Di ko akalain na ang maling akala…
Ay magiging tayo rin pala
Sampung taon na ang lumipas
Pero malinaw pa rin
'yung araw na nakita kita
sa reflection ng phone ko
Akala ko si Jen.
Pero ikaw pala 'yung pagmamahal
na hinding-hindi ko na palalampasin
Ngayon, bawat April 9 at May 17
Hindi lang petsa —
kundi paalala ng simula natin
Sa reflection ko kita unang nakita
Ngunit sa puso ko
doon kita totoong nakilala
Mula sa biro ng tadhana
Hanggang sa totoo ng pag-ibig natin
Ikaw at ako, sa bawat balikan
Walang mali sa pinili natin
Sa kwento ng Pepsi Blue
Sa kamay mong ayaw kong bitiwan
Sampung taon na ang lumipas
Pero ikaw pa rin ang dahilan
Kahit may boyfriend ka noon...
Ako pa rin ang tinawag mong “tayo”
At sa bawat lamig ng gabi
Kamay mo pa rin ang hawak ko
Kung babalik man muli ang oras…
Pipiliin pa rin kita
Mula Makati…
Hanggang sa huling kanta