Verse 1:
Iingatan ko ang pag ibig mong tiyak na totoo
Dahil ayokong kalungkutan ang iparamdam sayo
At sasamahan ka kahit saan man lupalok ng mundo
At ipapangako ko sayo hinding hindi tayo susuko
Bawat araw at bawat oras ay sayo ko ito ilalaan
Dahil Ikaw lang ang mahalaga saakin at Ikaw Ang dahilan
Kung bakit mas lalo ako tumapang at mas lalong ginanahan
Na lagpasan at takasan ang anumang problemang dumaan
Chorus:
(Sa twing akoy nalulungkot laging kang nandyan, Pinupunasan mga luha kong nagdaan)
(Salamat saiyo hindi ako nabigo, nahanap ko narin ang Isang taong totoo)
Verse 2:
Sabay tayung maglalakbay habang hawak iyong kamay
Pasensya kana minsan kung may pasaway akong taglay
Dahil gusto kolang naman palagi nasa mabuti kang lagay
At lahat ng pangangailangan mo ay aking maibigay
Mga problemang dumaan ay atin itong pagtulungan
Tawanan at kulitan yan lang ang maaring lunas dyan
Nawawala ang problema ko kapag palagi kang nariyan
Kaya sana hanggang dulo wala tayong iwanan
Chorus:
(Sa twing akoy nalulungkot laging kang nandyan, Pinupunasan mga luha kong nagdaan)
(Salamat saiyo hindi ako nabigo, nahanap kona rin ang Isang taong totoo)
Verse 3:
Sa huling pahina ng ating kwentong kabanata
Ikaw na mismo ang tumapos sa nag iIsang Kanta
Dahil Ikaw ang inspirasyon ko sa sinulat kong nobela
Sana ang maging wakas nito ay tayo talaga sa isa't isa
Alam kong darating ang panahon na tayo ay magkakalayo
Mag iibang kang landas at mag iiba akong ibayo
Pero kahit na ganon hindi tayo magbabago
Patuloy natin haharapin ang mga hamon sa mundo
Chorus:
(Sa twing akoy nalulungkot laging kang nandyan, Pinupunasan mga luha kong nagdaan)
(Salamat saiyo hindi ako nabigo, nahanap kona rin ang Isang taong totoo)