ANXIETY
Takot na takot sa tuwing inaatake Ang sagot sa tanong bakit diko ba masabe Yung lungkot at bagot sakin ay nakikisali sa lahat nang naiisip laging may baka sakali lagi kang taranta at parang di maka hinga para ding pagod at di alam Ang pahinga Ang tingin ko sa sarili ko ay parang nag iba nangangayayat ba ako o yun lang tingin nila halos bungo na ngalang sa daming iniisip kahit gising bat may masama akong panaginip di maka tulog kahit mayat Mayang ipilit Yung sariling salamin paulit ulit sinisilip Yung nadaramang Dala sa ngiti ko tinatago Yung dapat di Sayo mas gusto na inaako walang silbi lumaban Kasi laging tinatalo ako na mismo Ang nag tatanong kung " SINO BA KO " palaging balisa sa gabing na mag Isa panadalian na saya pag Kasama lang sila paulit ulit Ang senaryong toh Hindi na nag iba yung matibay na ako unti unti na nagiba gulong gulo Ang isip di ba pwede mabura para lang matapos toh Hindi ba pwedeng mauna kalagayan Kona na parang dinaig Ang sakuna magaling sa pag Dala kaya walang makapuna naging bisyo Kona din yata Ang mag kunwari mas ginugusto ko nalang kahit alam na ito'y mali Yung para sa sarili dina makapag tabi takot na mag isip pag inaabutan nang gabi kabado kahit Wala namang ginagawa para bang nag sugal na walang tinataya parang nag hahabol ka sa wala Ikaw din Ang taya Yung pagiging malungkutin ay minamayat maya sinasabe at hinihiling wag muna sanang tangkain o dumating Yung buhay ay kailangan kitilin bagay nato ay naman gustong mangyari umiyak o mag patulong sa kaibigan o kumpare daldalin ko man kayo may Hindi parin masabe Maraming sinasabe TINATAGO MAS MADAMI dina bale alam Kona lahat ito'y kakayanin may dumating man na pagsubok saking alanganin at alam kong nandyan sya at akoy sinasagip sa Oras na yung Buhay ko gusto konang mabalik tinutulungan mokong kayanin pa Ang pag panic kaya walang Tanong sa palad mo Ang pag halik PANGINOON SALAMAT PO SA BAWAT PAG GABAY LAKAS LOOB SA BAWAT ORAS NA BINIBIGAY DAHIL SAYO AY MAY LAKAS PARING TINATAGLAY KAYA SA MALI KONG MAIISIP AY HINDI MAG PATANGAY.