Nong una pa lang kitang makita
Labis ang aking tuwa
Saya na aking nadarama
Nakita ko yong mga mata mo na kayganda
Ikaw na yata aking sinta
Yong babae na magpasaya sa puso ko.
Gusto ko lagi kitang nakikita
Sa umaga paggising ikaw nasaisip ko
Walang nakikita kundi ikaw lamang
Magandang ngiti mo sa labi
Ay parang buo na ang araw ko
Mukha mong kaaya-aya o sinta
Chorus:
Pag-ibig na kaya ang nadarama
Kahit malayo ka minahal kita
Malabo man mangyari
Sa puso ko ikaw lang laman nito
Lumipas man ang panahon
Di kita malilimutan kailanman.