Verse 1
Kapag kitay nakikita
Puso koy kumakaba kaba
Akoy nagtataka
Bakit ganito ang aking nadarama
Verse 2
Kapag di kita nakikita
Lungkot ang aking nadarama
Mundo ko'y nag- iiba
Di ako mapakali sa tuwina
Chorus
Ikaw ang aking araw
Ikaw ang aking liwanag
Ikaw ang aking pag-asa
Sa buhay kong matamlay
Bridge
Para akong ibon nawawala
Sa gitna ng malawak na kalangitan
Walang patutunguhan
Sa paglipad kung saan saan
Outro
Pero ikaw ay aking natagpuan
Itutuloy ko ang nais ko
Na makamit ang iyong puso.
Naway sa panalangin ko
ikaw maging akin....mmmm