Gigising ng maaga, sabik na sa pagkikita,
Iisang tagpuan, iba-iba ang pinupuntahan.
Init ng panahon ay di alintana
Taas ng mga ahon pagod ay tinatyaga
Salamat BCCC sa samahang tunay
Dulot mong saya sa amin ay walang kapantay
Dami nang napuntahan at napagsaluhan
Higit dekadang pagkakaibigan
Pagmamahalan ay laging nandiyan
Walang iwanan hangad nino man
Salamat BCCC sa lahat ng tuwa
Hatid mong biyaya ay walang sawa
Lakas ng katawan kalusugang asam
Pagtutulungan sa amin ay tunay na ramdam
Tatanda hihina at lilipas
Ngunit ang ala-ala
ay mananatiling wagas