(First stanza)
Ano bang nagustuhan mo sakin?
Lahat ng ito'y hindi ko akalain
Sa simula pa lang, ikaw na agad ang lumapit
Kahit hindi mo sabihin, alam kong ako na ang napili
(Bridge)
Pagpasensyahan mo na kong hindi ko agad nakita
Pagpasensyahan mo na kung pinaghintay pa kita
Pero Wag ka na mag-alala,
hindi ko na to sasayangin pa
(Chorus)
Parang kathang isip lang ang lahat
At pangalan mo ang pamagat
Hindi ko alam kung nagayuma ba ako
At ikaw lang ang laman ng puso at isipan ko
Pero isa lang ang sigurado,
Ikaw ang pipiliin ko.
(Second stanza)
Tumatagal na ang bawat panahon
At ganun na din ang paghihintay mo sakin
Parang nawalan ka na ng gana ngayon
Pero gagawin ko ang lahat bumalik ka lang sakin
(Bridge)
Pagpasensyahan mo na kong puro lang ako salita
Pagpasensyahan mo na kung nahulog narin sayo
Pero Wag ka na mag-alala,
Ikaw lang ang akin prinsesa
(Chorus)
Parang kathang isip lang ang lahat
At pangalan mo ang pamagat
Hindi ko alam kung nagayuma ba ako
At ikaw lang ang laman ng puso at isipan ko
Pero isa lang ang sigurado,
Ikaw ang pipiliin ko.
(Interlude)
(Pre-chorus)
Lagi kang tumatakbo sa isip ko
Ikaw nalang laman ng aking puso
Di nako makatulog sa gabi
Iginapos mo na ako sa'yong mga ngiti
(Chorus)
Parang kathang isip lang ang lahat
At pangalan mo ang pamagat
Hindi ko alam kung nagayuma ba ako
At ikaw lang ang laman ng puso at isipan ko
Pero isa lang ang sigurado,
Ikaw ang pipiliin ko.