Ang tagal na
noong huli kong tula
lahat kasi ng inalayan at sinulatan ko,
nauwi sa wala.
Kaya nga kahit gusto
kitang ipagmalaki sa madla
ay pinigilan ko,
baka kasi mapako.Hindi kita sinigaw sa tala,
kundi hiniling kita kay bathala.
Medyo corny kung tutuusin
pero ‘di ko na kasi kayang tiisin.
Hindi naman na kailangang tiisin,
wala naman na e,
wala ka naman na,
wala naman na talaga.
Wala naman talaga.
Kaya sa una at huli kong
sulat-alay para sayo,
sana'y dama mo ang munting presensya
ng paghanga na nauwi sa
pagluha.
hindi ko masasabing
talo ako,
kung una palang
wala naman pala ako sa laro.
Apat na taon na napa ang iyong pagkawala
Tila'y kahapon lang nang ikay lumisan
Ngunit ang tanging naiwan
Ang mga ala-alang hindi malilimutan.