Sa Ka bila ng Dagat, Sa Ka bila ng Panahon
Para sa Ating Ika limangAnibersaryo
Pinagtagpo pa rin tayo ng panahon.
Limang taon ng pagmamahal sa malayo,
Pero kailanma’y hindi nagkalayo ang puso.
Noong high school, kilala ka na —
Tahimik, matalino, may disiplina.
Hindi kita hinangaan noon,
Pero napansin din kita.
Tahimik lang pareho, magkaibang landas.
Hanggang isang araw, nag-message ako para sa isang layunin.
Sumagot ka. Matagal ang katahimikan...
At pagkatapos ng ilang taon,
Isang simpleng "Madre ika?" — doon nagsimula ang kwento natin.
Mula sa isang tanong, naging araw-araw.
Naging tawanan, panalangin, at pag-asa.
Ngayon, magkasama tayo sa iisang pananampalataya,
Nagdarasal kay Jehova na dumating na ang araw
Na magkasama tayong maglingkod, magkasama sa buhay.
Sana dumating na yung araw na wala nang video call,
Wala nang “I miss you,”
Yung gising tayo sa iisang kwarto,
Sabay kakain, sabay tatawa, sabay magsisimba.
Pero habang hinihintay ang panahong 'yon,
Masaya akong ikaw pa rin —
Tapat, matatag, kasama ko sa panalangin.
At bawat araw, pinapasalamat ko ‘yon sa Diyos na Jehova.
Maligayang Anibersaryo, Love ko.
Mula sa iyong mahal.