Nung una kitang nakita
Sa hilera ng tela’t mga makina
Napangiti ako, sabay bulong sa hangin
“Sana siya na, baka ito na”
Walang gabi na di ka naiisip
Puso ko’y laging sabik
Aayaw ba ko o magbabakasakali
Ikaw na nga kaya, aking sinasabi
Oh, nang malaman kong gusto mo rin pala
Tumaba ang puso kong dati’y nag-iisa
Ang halik mong kay tamis, yakap mong payapa
Ikaw ang liwanag sa mundong magulo, sinta
Alas onse y media, tandang-tanda ko pa
‘Yung oo mong matamis, doon sa tabi ng rosas
Binura mo lahat ng sakit ng nakaraan
Sa ’yong mga mata, ako’y natagpuan
Oh, nang malaman kong gusto mo rin pala
Tumaba ang puso kong dati’y nag-iisa
Ang halik mong kay tamis, yakap mong payapa
Ikaw ang liwanag sa mundong magulo, sinta
Oh, mahal ko, sobra-sobrang galak
Sa ’ting mundo, pag-ibig ay namulaklak
Ikaw na simula’t sapul ang hanap
’Di na iibig ng ganito kasarap