[Verse]
Mga mata ko'y, salamin ng kaluluwa,
Sa bawat kislap nito, damdamin ang binubuksan,
Walang takas sa bugso ang damdamin
Sa dilim ng gabi, may panglaw na gabay
mundoy marupok, tulad ng papel,
Puso'y wasak, parang basong basag
Ngunit may bakas, bagong hugis bagong ganap,
Damdamin ko'y laging di nila tanggap.
[Chorus]
Sensitempathy, puso'y naglalakbay,
Sa gitna ng luha, sa gitna ng tagumpay,
Tibok nitong mundo, ay naririnig ko,
Sensitempathy, magmamasid magpakailanman
[Verse 2]
Haplos ng hangin, kwento ng ulan,
Lihim ng kalikasan, sa tenga ko nagdaraan,
Sa bawat galaw, mensahe'y naiiwan
Sa ingay ng katahimikan, puso ko'y matutunaw,
Tulad ng alon sa dagat, damdami'y humahampas,
Sa dalampasigan ng alaala, minsan masakit, minsan masaya,
Di laging magulo, di laging panatag,
Ang musika sa mundo koy pumapalahaw.
[Bridge]
Sa mundo ng ingay, ako’y bulong,
Sa gitna ng sugat, ako’y paghilom,
Sa bawat sugat, natutong maghilom
Sensitempathy, damdamin ay busog ngunit pag ibig ay gutom