[Intro]
Oh, balikan ang alaala,
Sa buhay natin noon, kaya't tayo'y sumigaw!
[Verse 1]
Palagi sa guinhawa, nagkatakbuhan sa basketbulan,
Nagmamadali, makasali sa laban ng mga dayo,
Masaya noon, maglalakad galing sa kanluran,
Dadaan kay Dodie, may dalang walet na pamusta,
Nagbabakasakali, may gagambang saging na masasagi,
Ngunit ang mga bagay, mahirap nang balikan,
Talagang masaya noon, bihira pa ang selpon.
[Chorus]
Nalulungkot kapag umuulan,
Walang paglalaruan, sa kwentuhan nauuwi,
Hanggang magdamagan, tara na’t sumama,
Oh ang saya noon, kay sarap balikan!
[Verse 2]
Minsan nagyaya, sa lomihan o maglulupakan,
Gusto kong bumalik, sa simpleng buhay,
Sana may time machine,
Pagbalik sa batang panahon,
Sa larangan, masaya, kahit pawisan,
nasugatan at may palo ka pa ng sinturon
[Bridge]
Masarap sumakay, sa kabayong kahoy,
Patintero sa maghapon,
Ayos lang kahit kwintas, na libag ang nahakot,
Sa ilog, lumusong, bitbit ang galon,
Para sa tubig pag-ahon, kabataan noon,
Talagang sulit ang maghapon.