Title: ULAN
(Verse 1)
Sa bawat tibok ng puso, ikaw ang nasa isip
Sa bawat hininga, pangalan mo ang binibitaw
Ngunit bakit ba ang puso mo'y tila bato?
Hindi mo makita ang pagmamahal kong totoo,
(Chorus)
Parang isang bulaklak na naghihintay ng ulan
Ngunit ang langit ay walang pakialam
Nagmamahal ako ng taong hindi ako ang gusto
Sa puso kong nag-iisa, ako'y nasasaktan
(Verse 2)
Pinilit kong iparamdam sa'yo ang aking pagmamahal
Ngunit tila isang bituwin ang iyong puso, hindi maabot.
Lumuluha ako sa gabi, nag-iisa sa dilim
Habang ikaw ay nasa piling ng iba.
(Chorus)
Parang isang bulaklak na naghihintay ng ulan
Ngunit ang langit ay walang pakialam
Nagmamahal ako ng taong hindi ako ang gusto
Sa puso kong nag-iisa, ako'y nasasaktan
Sana'y maunawaan mo ang aking damdamin
Sana'y makita mo ang pagmamahal kong tunay at wagas
Pero alam kong hindi na mangyayari, kaya't hahayaan ko nalang
Maghahanap ng ibang puso na saki'y magmamahal
(Chorus)
Parang isang bulaklak na naghihintay ng ulan
Ngunit ang langit ay walang pakialam
Nagmamahal ako ng taong hindi ako ang gusto
Sa puso kong nag-iisa, ako'y nasasaktan
(Outro)
Sa paglipas ng panahon, natututo akong magpalaya, kahit masakit
Pero ang tulad mo'y mananatili sa puso ko,
Bilang isang magandang alaala na hindi ko malilimutan.