Pagdating mo ay di ko inaasahan,
Pinakilala ka ng isang kaibigan,
Noo'y wala pang paki-alam,
Ngunit Sa giling mo ako’y iyong agad nakuha.
Mula sa pag-uusap na kasama ang kaibigan, hanggang sa tayong dalawa ay agad nagkaintindihan,
Kahit tayong dalawa lang ay halakhakan ay di mapigilan
Hanggang sa hindi inaasahang pagtatagpo ng tuluyan,
Sa Cebu na ating unang tagpuan,
Ay ramdam na ang Kasiyahan,
At pakiramdam na ikaw lang ang makakapag-bigay.
Chorus:
Malayo pa, Pero malayo na,
Marami man ang naging hadlang,
Ay pinatatag pa ng ating nararamdaman,
At hanggang dulo ay atin itong Ipaglalaban.
At sating muling pagkikita,
Ng lumalim na ang ating pagsinta sa isa't-isa,
Ibang saya at ligaya ang naramdaman,
Ngunit napalitan ng sakit at hapdi ang Pakiramdam,
Dahil sa samot saring panghuhusga ang binigay.
Sinuko ko ang pansariling Kasiyahan,
Dahil ayaw kong ikaw ay nakikitang nasasaktan,
Mga pag tangis mo ay masakit sa kalooban,
Hindi yan ang gusto kong iparamdam.
Ang mga ngiti mo ang nais kong masilayan,
Hindi ang mga luha mong pumapatak sayong kama.
Dating kinang sayong mga mata'y,
Napalitan na ng lungkot na di mo dapat matamasa.
Repeat Chorus:
Malayo pa, Pero malayo na,
Marami man ang naging hadlang,
Ay pinatatag pa ng ating nararamdaman,
At hanggang dulo ay atin itong Ipaglalaban.
Bridge:
Ngunit tadhana'y sadyang mapag-biro,
At ang Diyos ay di tayo binigo,
Alam niya ang sinisigaw ng ating mga puso,
Binigyan tayo ng dahilan para tayo ay lumaban,
Hindi tayo sumuko, Tayo ay patuloy na tumayo,
Batuhin man ng kung ano-ano ay di tayo mapapasuko.
Anim na buwan na tayong nakikipag-laban,
Pero tayong dalawa ay nananatiling nakatayo at di natibag ninuman,
Lalo pa ngayon na totoo na ang nararamdaman,
At ang ating mga puso ay lalo nang nagkamabutihan,
Pagmamahalan natin ay di na napigilan,
Dahil tayo mismong dalawa ay tumapang, Dahil ang nais natin ay ILABAN kahit na ang kalaban ay ang mundong kinagisnan.