

Prompt / Lyrics
[Intro] [Verse 1] Sa mga sandaling ito, nababalutan na ako ng lungkot sa pangungulila ko sa 'yo Sa magagandang bagay na ginagawa mo, wala ng papalit sa 'yo Na may halaga bago mo iwan ang mundo Patulugin mo na rin ako, oh, baby ko! [Hook] Ang 'yong mukha, ang 'yong mga kilos, Ang 'yong mga salita, ang `yong katawan, Ang 'yong mga halik, ang 'yong mga yakap, Ang 'yong init, ang 'yong kagandahan [Pre-Chorus] Wala na Dito... Ang buo mong Pagkatao! [Chorus] Kaya pagdating ng gabi Puno ng pighati't paninimdim Nagluluksa sa buwan, lumuluha sa dilim At pagsapit ng umaga puro dalamhati't alalahanin Sa haring araw na nakikiramay sa liwanag n'yang wala nang lilinawin; Ba't may gan'tong senaryong dagok sa atin Para bang nawala ang lahat sa akin. Walang gandang aasahan pa na darating isa na lang ang nabubuo sa'akin Kung sarili ko ang tatanungin Ano'ng saysay ng buhay natin at ng mga nakapiling Kung ito rin sa atin ay babawiin... [Post-Chorus] 'Yung Gabing nagpalitan tayo ng, I Love You 'Yung Gabing 'di ko alam, bumabagabag sa'yo 'Yung Gabing pinikit mo ang 'yong mga mata Pagtapos nang huling halik at yakap na natin pala; Pinagmasdan ko pa pagtulog mo at ako'y naidlip na 'Yung Oras na pabangon-bangon ako may ibang nadarama Gigisingin na sana kita sa pag-aalala Pero 'di ka na dumilat at... 'di na rin humihinga [Interlude] [Verse 2] 'Yung mga sandaling ayokong maalala pa nung kalungkuta'y nagsimulang buma-lot na Sa biglaang pangyayaring 'di ko iniisip pa, kaya nanahimik Pero bigat ng haharapin, akin ng dama, na 'di ka na maibabalik Baby ko, sorry 'di kita kayang ibalik [Hook] Ang 'yong mukha, ang 'yong mga kilos, Ang 'yong mga salita, ang `yong katawan, Ang 'yong mga halik, ang 'yong mga yakap, Ang 'yong init, ang 'yong kagandahan [Pre-Chorus] Wala na Dito... Ang buo mong Pagkatao! [Chorus] Kaya pagdating ng gabi Puno ng pighati't paninimdim Nagluluksa sa buwan, lumuluha sa dilim At pagsapit ng umaga puro dalamhati't alalahanin Sa haring araw na nakikiramay sa liwanag n'yang wala nang lilinawin; Ba't may gan'tong senaryong dagok sa atin Para bang nawala ang lahat sa akin. Walang gandang aasahan pa na darating isa na lang ang nabubuo sa'akin Kung sarili ko ang tatanungin Ano'ng saysay ng buhay natin at ng mga nakapiling Kung ito rin sa atin ay babawiin... [Post-Chorus] 'Yung Gabing nagpalitan tayo ng, I Love You 'Yung Gabing 'di ko alam, bumabagabag sa'yo 'Yung Gabing pinikit mo ang 'yong mga mata Pagtapos nang huling halik at yakap na natin pala; Pinagmasdan ko pa pagtulog mo at ako'y naidlip na 'Yung Oras na pabangon-bangon ako may ibang nadarama Gigisingin na sana kita sa pag-aalala Pero 'di ka na gumagalaw at 'di na nagsalita pa [Outro] [Soft voice] [Whisper] Oo, alam ko, nararamdaman lagi kita Nakikita kita, ilang beses na, sa araw-araw ay kasa-kasama paghawak-hawak mo, pagtabi mo sa kama Nakatingin sa mga bata at yayakap ka Magigising sila, ramdam ka rin nila Ooh, hmm... Baby ko, kitakits sa finals ha. [Male Vocal]
Tags
Male Vocal, Mellow Jazz Trio with Upright Bass, Piano, and Light Drumming, male
6:17
No
11/4/2025