Verse 1
Maagang gigising
Puyat na naman
Lesson plan at demo teaching
Nasa isip magdamag
Coffee sa gilid habang nagre-review
Ngumingiti pero may kaba rin, ohhh
Minsan duda sa sarili’y nilalabanan
Hanggang sa sabihing “kaya ko ’to”
May luha sa likod ng tawanan
Pero tuloy pa rin kahit nahihirapan
Hindi man madali ang dinaanan
Bitbit pa rin namin ang dahilan
---
Pre-Chorus
Unti-unti nang naaabot
Mga pangarap naming muntik nang malunod
“Malayo na pero malayo pa”
Pero kapit lang, darating din pala
---
Chorus
Ito na ang huling hakbang
Mga pangarap naming pinaglaban
Lahat ng puyat at sakripisyo
Ngayon ay may patutunguhan na totoo
Kahit ilang beses kaming bumagsak
Babangon pa rin hanggang dulo ng lakad
Hindi namin namalayang malapit na
Mga dating takot ngayo’y kaya na
Ohhh
Lumalaban kahit pagod na
Ohhh
Konting tiis, makakamit din pala
---
Verse 2
Mga classroom na naging tahanan
Mga kaibigang kasama sa laban
Practice teaching at kaba noon
Ngayon may lakas nang humarap sa tao
Dating mahiyain at kulang sa tiwala
Ngayon may boses nang handang marinig nila
Sulit lahat ng hirap at pagod
Mas natutunan naming maniwala sa sarili
---
Final Chorus
Ito na ang huling hakbang
Mga pangarap naming pinaglaban
Lahat ng luha at sakripisyo
Ngayon ay bunga na ng pagtitiyaga
Kahit ilang beses kaming bumagsak
Babangon pa rin hanggang dulo ng lakad
Hindi namin namalayang malapit na
Mga dating takot ngayo’y kaya na
Ohhh
Lumalaban kahit pagod na
Ohhh
Konting tiis, makakamit din pala