May pangarap akong marikit, isang tahanang payapa at Masaya,
Ngunit kailangan kong mag-ipon, para sa kinabukasan
Kahit barya lang, bawat araw nadaragdagan ang aking ipon
Para sa katuparan ng aking pangarap, isang buhay na masagana sa hinaharap
makakamit ko ang aking pangarap, isang tahanang puno ng pag-asa at saya, magiging realidad ang aking pangarap, walang takot, walang pag-aalinlangan, hindi na ako maghihirap, ang luha'y mapapalitan ng saya, magiging masagana ang aking buhay, sa piling ng mga mahal ko sa buhay
Hindi madali, may mga pagsubok at hamon na darating
Ngunit hindi ako susuko, ang pangarap ko'y aking panghahawakan, patuloy akong mag-iipon
Sa bawat kahon, sa bawat piso, isang hakbang palapit sa tagumpay
Nag-iipon ako, para sa aking pangarap, isang kinabukasan na maliwanag at kay ganda
makakamit ko ang aking pangarap, isang tahanang puno ng pag-asa, magiging realidad ang aking kinabukasan, walang takot, walang pag-aalinlangan, hindi na ako maghihirap, ang luha'y mapapalitan ng saya, magiging masagana ang aking buhay, sa piling ng aking minimahal