"Hiraya".
(verse)
Gabi na naman, ikaw pa rin sa isip
Bawat hinga ko, pangalan mo ang himig
Hindi kita maabot, pero ang lapit mo
Sa hiraya ko, tayo ang totoo
(Pre-Chorus)
Sabi nila gising ka na daw
Pero bakit sa panaginip, ako pa rin ang kasama mo
(Chorus)
Hiraya, dun tayo walang hanggan
Hawak kamay, walang paalamang biglaan
Hiraya, kahit panaginip lang
Pag gising ko, ikaw pa rin ang hahanapin
Hiraya, hiraya, ikaw lang
(Verse 2)
Nagsulat ako ng tula, pero kulang lahat ng salita
Kasi walang rhyme na kasing-tamis ngiti mo sa alaala
Kung ang mundo may hangganan, sa'yo ako walang limit
Sa hiraya ko, tayo walang exit
(Pre-Chorus)
Sabi nila imposible daw
Pero sa puso ko, ikaw ang batas at ako
(Chorus)
Hiraya, dun tayo walang hanggan
Hawak kamay, walang paalamang biglaan
Hiraya, kahit panaginip lang
Pag gising ko, ikaw pa rin ang hahanapin
Hiraya, hiraya, ikaw lang
(Bridge)
At kung hindi man tayo sa totoong buhay
Hayaan mong sa panaginip, tayo ay manatili
Kasi dun, hindi ka umaalis
Dun, mahal mo rin ako pabalik
(Final Chorus)
Hiraya, sana isang araw
Maging gising na 'tong lahat ng 'to
Hiraya, pero kung hindi man
Salamat at sa panaginip, ikaw pa rin
Hiraya, hiraya, ikaw lang