Kumusta kumusta, mga anak ni Jandel? Isang araw na naman lumipas wala pa ring master! Inaantay ko si crush mag-online sa Roblox, napagipunan ko na nga kailangan niyang Robux! Pero mukhang iba na nagwawater ng mga carrot niya.. okay lang ako!
Grow grow grow a garden, kahit tito kong sabungero naglalaro, grow grow grow a garden, kaka abang sa sugar apple nakalimutan na magsundo
Magtatanim na lang ako ng kamatis, hayop. Mas mahalaga ka pa sa candy blossom at moon blossom, pero bakit ka AFK pag ako lumalapit? Sa random na may huge moon melon ka pa nakikikupit!
Grow grow grow a garden, kahit mama at tita ko naglalaro, grow grow grow a garden, kakaantay sa sprinkler nakalimutan na magsampay
Hindi naman ako nagfu-fruit please! Pinangako ko sayo babantayan ko pananim mo.. Sa sobrang inis, ishovel ko na Lotus ko, bahala na, nahihilo na ‘ko. Trillion trillion na sheckles ko, walang kwenta, kung wala ka sa garden ko..
Grow grow grow a garden, kahit tito kong sabungero naglalaro, grow grow grow a garden, kaka abang sa sugar apple nakalimutan na magsundo, grow grow grow a garden
Sana mag-grow din ang pagibig mo.. grow grow a garden