Mula sa unang iyak hanggang sa unang hakbang,
Sa bawat tawa’t luha, kami’y nandiyan.
Kaye Anne at Kim Alouna, aming kayamanan,
Sa inyo umiikot ang aming pangarap.
Anumang pagsubok, anumang bagyo,
Kami ni Mama’y laging nandito.
Hawak-kamay, sama-samang harapin,
Ang bukas na puno ng pag-ibig at lambing.
Mahal na mahal kayo namin,
Kayo ang aming buhay, aming bituin.
Habang may buhay, kayo ang aming mundo.