totoo)
[Verse 1]
Tahimik akong gumawa, sa resulta inyong nakita
natakot ang iba,pero minahal ako ng nakararami
Hindi lahat nakaintindi ng dahilan
Ngunit di ko kailanman tinalikdan ang sambayanan
[Verse 2]
Sa mata ng ilan, ako’y naging masama
Ngunit alam ng Diyos ang puso kong payapa
Sa bawat desisyon, dugo ang puhunan ko
Ginawa ko ang lahat para sa bayan ko
[Pre-Chorus]
Tindig na makisig ay unti-unting yuyuko’t aalis
Tinig na matikas ay hihina’t mawawala
Ngunit ang pusong palaban ang aking iiwan sa inyo
[Chorus]
Pag-ibig ang sandata sa gitna ng laban
Totoo ang paglilingkod na aking inalay
Kahit sa mata ng iba’y ako’y salang tunay
Pag-ibig ang sandata kong tangan
Sa bawat sigaw at paratang
Ginawa ko ang lahat para sa bayan ko
Dahil ito ang sumpang hawak ko
[Verse 3]
Hindi ako perpekto, ako’y tao lang
Ngunit puso ko’y sa inyo, ‘di nagkulang
Handang masaktan, handang isuko ang lahat
Kahit kapalit nito ay dungis at pangungutya
[Bridge]
Dumaan ako sa apoy, upang masubok ninyo kung tunay
‘Di ako umasa ng papuri o gantimpala
Basta ang kabutihan ng bayan ay aking nadama
[Final Chorus]
Pag-ibig ang sandata sa bawat laban
Hindi galit, kundi malasakit ang aking tangan
Sa huli, ang kasaysayan ang huhusga
Ng isang pusong lumaban ng may dangal at pag-asa
Ginawa ko ang lahat para sa bayan ko
Dugo’t luha ko’y alay sa Pilipino
[Outro]
Pag-ibig ang sandata ko…
At ang pusong palaban, ‘yan ang aking pamana.