(verse1)
Hindi dapat ako'y ibigin
dahil ako ay makasalanan.
Karapatdapat ako sana
sa sumpa ng kamatayan.
Subalit inalay mo ang iyong buhay
Ibinigay mo'y buhay na walang hanggan
( verse2)
Hindi ako karapatdapat
tinuran akong itim na tupa.
Lumayo ako sa iyong kanlungan
tinahak ko ay maling daan.
Ngunit pag-ibig mo'y walang hanggan.
tinawag mo ako pabalik sa iyong kandungan
(chorus)
Kaya purihin ka panginoong Hesus
Pag-ibig mo ay walang kapantay
Ang salita mo ay nagbigay buhay
kaya buhay ko ngayon sayo iaalay
(adlib)(rap verse1)
Siya ang panginoong dapat nating papurihan.
Dahil kanyang tinubos ang ating mga Kasalanan
Kaya tayoy mag-aawitan sambahin ang kanyang pangalan
Sya ang ating kapayapaan at ang nagbigay kaligtasan
(rap verse2)
Siya ang ibinigay ng Dios ama sa sangkatauhan
Tinanggap nya ang parusa kahit sya'y di makasalanan
Kanyang dugo't pawis sa krus ang naging kabayaran
upang ikaw at ako'y palayain sa sumpa ng kamatayan