[verse 1]
Matagal ko nang itinatago
pagmamahal na di ko masabi sayo
bakit di mo pansin aking mga tingin?
bakit di mo ramdam ang tibok nitong dibdib?
pagmamahal mo palay may iba nang umaangkin..
kita ko kayong may ngiti sa mga labi
at ako ritoy pagmamahal di ma sabi.
sana nama'y pakinggan ang aking damdamin..
[Chorus]
Wala na bang pag asa?
kita mo ba ang pagmamahal sa aking mga mata?
ako'y naririto nang dahil lang sayo
gusto ko mang sumuko..
pero patuloy akong bumabangon para sayo...
pero iba naman ang iyong gusto
[verse 2]
ooohhh..
Ano kaya ang meron sa kanya na wala ako?
bakit di mo kayang mahalin ang isang tulad ko?
masakit talgang isipin...
na sa kanya ang iyong damdamin
pag ibig mo talaga'y hindi para sa akin..
kahit anong gagawin ng puso
kahit anong gagawing pangako..
mamahalin mo talaga ay hindi ako
[Chorus]
Wala na bang pag asa?
kita mo ba ang pagmamahal sa aking mga mata?
ako'y naririto nang dahil lang sayo
gusto ko mang sumuko..
pero patuloy akong bumabangon para sayo...
pero iba naman ang iyong gusto
[bridge]
patuloy akong aasa sayo sinta
kahit mahal mo ay siya
maghihintay ako
hanggang ako na iyong gusto
masakit man ngunit ito'y para lamang sayo
mahal kita..
mahal kita! pansinin mo naman ako sinta
[Chorus]
Wala na bang pag asa?
kita mo ba ang pagmamahal sa aking mga mata?
ako'y naririto nang dahil lang sayo
gusto ko mang sumuko..
pero patuloy akong bumabangon para sayo...
pero iba naman ang iyong gusto...
[outro]
kung ako ba siya..
mamahalin mo ba ako?
sabihin mo...
paano ba ako lalayo sayo?