Verse 1
Matagal na panahon na nang tayo’y nagsama,
Isang dekada na puno ng saya at lumbay na alaala.
Magkasama nating hinarap ang buhay, sa hirap man o ginhawa,
At may pangako na tayo'y hindi maghihiwalay.
Verse 2
Sa mga pagkakataon na ang tiwala 't pag-ibig natin noon ay sinubok,
Ngunit ito’y dating pinanghawakan at napatunayang tunay at matibay
May mga ngiti at ligaya sa mga Oras na Minsan ay magkalayo
Dahil ang tiwala at pag-ibig ang matibay na bigkis na nagpanatili sa atin.
Chorus;
Hindi ko maiwasang ngumiti tuwing maaalala ko ang mga sandaling iyon,
Kahit hindi tayo ang nakatadhana, ayos lang, kahit hindi na tayo magkasama.
Ang mahalaga ay natuto tayong magparaya at lumaya
Sa inakala nating pag-ibig na walang hanggan.
Verse 3
Mayr mga taong nakakaalam sa ating pagsasama
Sila ang saksi sa mga sandali ng luha at saya
Naging inspirasyon tayo sa iba kung gaano tayo katatag at ka tibay
sa buhay pag-ibig
Chorus
Hindi ko maiwasang ngumiti tuwing maaalala ko ang mga sandaling iyon,
Kahit hindi tayo ang nakatadhana, ayos lang, kahit hindi na tayo magkasama.
Ang mahalaga ay natuto tayong magparaya at lumaya
Mula sa inakala nating pag-ibig na walang hanggan.
Bridge
Ngunit ang pagkakataon ay hindi laging umaayon sa panahon
Ang Pag-ibig at tiwala'y nawasak ng hindi pagkakaunawaan.
Maging ang mga kaibigan na inasahang magbibigay- gabay upang magpatuloy sa buhay,
Sila pa ang nagtulak sa ating paghihiwalay .
Chorus;
Hindi ko maiwasang ngumiti tuwing maaalala ko ang mga sandaling iyon,
Kahit hindi tayo ang nakatadhana, ayos lang, kahit hindi na tayo magkasama.
Ang mahalaga ay natuto tayong magparaya at lumaya
Mula sa inakala nating pag-ibig na walang hanggan.
Outro;
Ngunit sa lahat ng pangyayaring ito ay
Nagawa nating magpatawad at hilumin ang mga sugat.
Masaya nating hinarap ang buhay kahit hindi na tayo magkasama.
Ayos lang, kahit hindi na tayo.....Basta...,ok Tayo!yow!!!