REPLIKA
Hindi na mahalaga Ang alaala Ng nakaraan
Binuo man Ng iyong mga kasinungalingan
Wala Ng maitatago pa dahil alam ko na
Sa iyong mga mata kusang nagsasalita Ako Ang kawawa
Alam ko na Ang iyong mga dahilan
Dahil rason mo Yun kahit Ako Ang nasasaktan
Kahit alam ko na kung bakit
Nagdulot pa Rin Yun Ng sobrang sakit
Dahil nasagot ko na Ang Sarili Kong tanong
Bakit , Ano , Kailan at Saan Ako nagkulang
Mula nung akoy iyong iniwan
Sa hamon na iyong sinimulan , Sarili ko Ang siyang kalaban
Akala ko walang SALITANG Akala
Pero nung tumalikod ka, nawala Kang parang bula
Pinilit ko Ang Sarili Kong hanguin
Sa kumunoy na Ikaw Ang salarin
Mula noon itinaas ko aking tingin
At tumingala sa LANGIT at manalangin
"DIYOS AMA, AKO SANAY IYONG PAGPALAIN
AT SA SOBRANG SAKIT AKO'Y IYONG YAKAPIN"
Puso ko sana iyong kapain
Para Sarili ko ay hagilapin at buohin
Mga SALITANG aking binigkas sa itaas
Di nagtagal nagbukas sa akin Ang tamang landas
Panatilihing mananalangin
At Ang iyong mga hiling ay diringgin
Lapat sa lupa Ang mga paa
At palaging sa LANGIT nakatingala
Ngayon pinagbuklod na tayong dalawa
Hakbang natin ay magiging Isa
Kaya sana sa laban at hamon Ng buhay
Tayo ay magkasama makikibaka Ng sabay
It's me
Lyn Benigian Buladaco