❝Kung Maibabalik Lang❞
Verse 1:
Yung maraming sana, na hindi na maibalik pa
Panahong ang laruan ay tansan, ang mundo’y payapa
Simpleng bagay lang, sapat na sa ligaya
Basta’t magkakasama — ako, si Nanay, si Tatay, at mga kapatid kong mahalaga
Verse 2:
Walang perang nakatago, walang bagong kasangkapan
Pero bawat hapunan, may kwento’t kasayahan
Ngayo’y tahimik na ang lumang tahanan
At ang mga tawa’y alaala na lang sa isipan
Chorus:
Kung maibabalik lang, ang puso naming bata pa
Na kahit magtampuhan, saglit lang, maya-maya’y masaya
Ngayon, kanya-kanya na, may lamat na ang ugnayan
Pamilya pa rin ba kung bihira nang magkamustahan?
Verse 3:
Ako’y ulila na, wala na si Inay, wala na si Itay
Tahimik ang gabi, tahimik pati ang ugnayan
Ang mga kapatid, may sari-sariling daan
Minsan di na magkasundo, kahit sa simpleng usapan
Bridge:
Sana’y maalala, hindi habangbuhay ang lahat
Ang oras ay lilipas, alaala’y maglalakad
At kung puso natin ay tulad ng dati
Na konting iyak lang, ay susundan ng tawanan muli
Final Chorus:
Kung maibabalik lang ang panahong kay gaan
Baka ngayo’y buo pa rin, kahit may kulang sa tahanan
Pagmamahal sana ang manatili sa gitna ng lamat
Dahil ang pamilya, kahit nasaktan — ay pamilya pa rin dapat
Outro:
Kung maibabalik lang…
Kumpleto ang pamilya
At may unawaan