Title: Ikaw Lang
Verse 1:
Iniwan ang takot, lumalapit sa ‘Yo
Tinig Mo’y nadinig, puso ko’y payapa rito
Pag-ibig ng Ama, siya ang humila
Tanging nais ko lang, masilayan Ka
Chorus:
Ikaw lang ang kailangan ko
Ikaw lang, O Panginoon
Ikaw lang ang kailangan ko
Ikaw lang, O Panginoon
Verse 2:
Hawak Mo ang langit, pati sanlibutan
Buhay ko’y Iyong tangan, di Mo pababayaan
Dito sa piling Mo, puso ko’y payapa
Tanging nais ko lang, masilayan Ka
(Repeat Chorus x2, end softly)