"I originally wrote a song for my love, Jessa."
Unang araw na nakita ka,
Puso ko'y agad na binihag mo.
Araw-araw na kitang na-iisip,
Sanay mapasakin ka.
Kasi naman ang pusong ito,
Akala ko'y hindi na magmamahal pa.
Pero agad akong nahulog sa ganda
At pagkatao mong hindi ko pa kilala,
Pero hindi ko maikakaila na ako'y nahulog na sayo.
Chorus:
Unang araw na nakita ka,
Puso ko'y agad na binihag mo.
Araw-araw na kitang na-iisip,
Sanay mapasakin ka.
Mula nung nakasama ka,
Mundo ko'y lumiwanag.
At sa tuwing kasama ka,
Puso ko'y puno ng saya.
Hiling ko sa Diyos na ikaw na ang huling makakasama sa habang buhay.
Ngunit bakit ba may pagdududa pa
Sa pusong ito na nahulog na sayo?
Marahil ay kasi hindi pa kita lubos na nakakilala
Ngunit ito'y tiyak, ang puso kong ito'y sa iyo na.
Sa bawat araw na lumilipas,
Ang pag-ibig ko'y lalo pang tumitindi.
Sa bawat sandali na kasama kita,
Puso ko'y umaapaw sa saya.
ikaw ang aking mundo,
Ikaw ang aking buhay.
Ikaw ang aking lahat,
At hindi ko na maibibigay ang puso kong ito sa iba.
Hiling ko sa Diyos na ikaw na ang huling makakasama sa habang buhay.