May banda laugh track ang pangalan
Tingnan mo,
Kumikislap ang entablado
Si larry humihiyaw ng mataas
Napapatingala kahit di mo trip dumayo
Si prince umiikot, parang ipo ipo
Pa slide, pa spin palakpak ang tao
Si mama mhick tahimik sa gilid
Ngiting may tinatago
Si ganesh eeksena
Tawanan sa magdamag
Si lyts sa keyboard
Sarap sa tenga
Si maui sa bass
Dumadagundong
Si bembol sa gitara
Parang rockstar
Si arby sa drums
Kumakabog sa dibdib
Tayoy sumayaw, kumanta, tumawa
Gabi, gabi
Laugh track
Pag sinabi ni larry "sabay"
Sumasabay pati sintonado
Si prince kumekendeng sumasayaw
Kahit ung suplado napapahataw din lalo
Tapos si mama mhick dahan dahan
Kwento ng puso sugat gumagaling
Tapos bigla ng bibirit si ganesh
Parang humuhupa ang ngiting bitin
Kami ang laugh track
Tawanan sa magdamag
hataw ng bongga
Boses sabog sa sarap
galawang walang bukas
Sahig halos umalog
Love song
Niyeyelo ang lungkot
Birit na humihiyaw sa taas
Kami ang Magpapasaya sa inyo
Gabi, gabi
Laugh track
Kahit pagod ka na sa araw
Dito bawal ang masyadong seryoso
Sa bawat kanta bawat sigaw
Parang panibagong araw ang gabi mo
Kami ang laugh track
Tawanan sa magdamag
hataw ng bongga
Boses sabog sa sarap
galawang walang bukas
Sahig halos umalog
Love song
Niyeyelo ang lungkot
Birit na humihiyaw sa taas
Kami ang Magpapasaya sa inyo
Gabi, gabi
Laugh track