*Verse 1:*
Tatlong daan at tatlumpu’t tatlong taon,
Kami'y niruyakan, tinanggalan ng pagkatao.
Pinagsamantalahan, niloko’t pinaasa,
Sa loob ng tatlong dekada, hinubaran ng dangal at pag-asa.
Sa gitna ng kaguluhan ng mundo,
Kami'y ginahasa, kinitil, tinanggalan ng pag-asa.
Ngayon sa panahon ng payapa,
Kami pa rin nandito, hindi pa rin makaahon, nakagapos sa pangako.
*Pre-Chorus:*
Dito na lang ba? Hanggang dito na lang ba?
Matatapos ba ang pag-asa sa pagkabigo?
*Chorus:*
Himagsikan! Baril at patalim, ihanda ang sarili.
Himagsikan! Kitilin, lagutan, dayuhang mapang-api.
Himagsikan! Di na kami magpapagapi.
Himagsikan! Ituloy ang laban hanggang sa huli.
*Verse 2:*
Sa bayan kong sinilangan, marami pa ring nagbubulag-bulagan.
Kahit bayan mo’y kaya mong talikuran,
Kapirasong salapi’y kabayaran sa dangal mong tinatapakan.
Hindi ka ba napapansin?
Sarili mong kaluluwa ay nilalatayan.
Pagkaganid mo sa kapangyarihan,
Sa iyo'y susunog, tatapos sa sanlibutan.
*Pre-Chorus:*
Dito na lang ba? Hanggang dito na lang ba?
Matatapos ba ang pag-asa sa pagkabigo?
*Chorus:*
Himagsikan! Baril at patalim, ihanda ang sarili.
Himagsikan! Kitilin, lagutan, dayuhang mapang-api.
Himagsikan! Di na kami magpapagapi.
Himagsikan! Ituloy ang laban hanggang sa huli.
*Bridge:*
Sa kamay ng kasama, kami'y lalo pang binabaon,
Sa limot at pangako, tila kami'y kanilang itinatapon.
Ngunit hindi kami magpapadala,
Sa apoy ng himagsikan, kami'y lalaban hanggang dulo!
*Chorus:*
Himagsikan! Baril at patalim, ihanda ang sarili.
Himagsikan! Kitilin, lagutan, dayuhang mapang-api.
Himagsikan! Di na kami magpapagapi.
Himagsikan! Ituloy ang laban hanggang sa huli.
*Outro (Narrative):*
Panata ko para sa aking bayan,
Iibigin ko ang Pilipinas,
Ito ang aking lupang sinilangan,
Tahanan ng aking lahi,
Aking kukupkupin at tutulungan,
Upang maging malakas, masipag at marangal.
Bayan kong Pilipinas, gumising ka sa tukso,
Huwag kang maging tuso, ipaglaban ang dangal mo!