Magulo ang isipan
Nalilito kung pasa-saan
Nakaharap sa pahina
Hanggang sa masilayan ang iyong mukha
Maliwanag ang ningning ng mga mata
Animo'y tala sa kalawakan
Ngiti mong nakakabighani
Yari marahil ay nahulog na
Tinatanong sa isipan
Hanggang tingin nalang ba?
Hanggang kaibigan nalang ba?
Hindi na ba kayang umusad pa?
Pinagmamasdan ka sa malayuan
Tinatanaw kahit na bawal
Ngunit puso ay di mapigilan
Tanawin ang katulad mong isang buwan
Sa paglipas ng panahon
Hindi parin makaahon
Alam kong bawal, alam kong mali
Ngunit sa lahat ng bawal at mali, ikaw ang hindi ko pagsisihan sa huli
Hindi na muling tatanungin ang isipan
Alam kong hanggang tingin nalang
Alam kong hanggang kaibigan nalang
Alam kong hindi na uusad pa
Pagmamasdan ka nalang sa malayuan
Tatanawin kahit na bawal
Pipigilan ang puso
Na umibig sa "aking buwan"