mga ala ala ng nakaraan
kay sarap sanang balikan
lalo na kung yung taong mahal mo
ay kaya kang ipaglaban
hindi mo ako masisisi
kailangan ko ng bumitaw
sa pag ibig na tila pagkakamali
na halos ako na ang gumagalaw
cho:
Ginawa ko naman ang lahat mapasaya ka lang
Ngunit bakit tila ito ay kulang
Hindi ka naman humingi kase kusa kung binigay
Sadyang napagod lang ako kaya ako’y sumuko na lang
Bakit ganito , hindi ko na ramdam ang pagmamahal mo
kahit pa di mo sabihin, ramdam ko ang paglayo mo
noong una palang sumuko ka na pala
pinilit mo lang kumapit dahil sabi nila
bridge:
sabihin mo mang mahal mo ako
pero pagod na ang puso ko
sa dami ng pag iwas mo
hindi mo na ako madadaan sa bola mo