[INTRO]
[Verse 1]
Ngayong gabi lang tayo unang nagkita,
Ngunit 'di ko mapigilang magtaka!
Bakit parang kilala na kita?
habambuhay....
[Verse 2]
Minsan mo lang inabot ang iyong kamay,
Ngunit 'di ko mapigilang magtaka!
Tila ba inalagaan mo na ako
magpakailanman....
[Chorus]
Totoo ba ito?
O guni-guni ko lang?
Sa ibang panahon, nahulog na ba ako sa'yo?
Totoo ba ito?
O guni-guni ko lang?
Sa ibang panahon, matagal nang may ikaw at ako.
[Verse 3]
Biglang nanahimik ang iyong mundo,
Naglalaho na ba ang mga pangako?
Tila isang multo na lang sa alaala,
Bakit biglang nawala ang iyong pakita?
[Bridge]
Minsan mo lang akong hinalikan,
Ngunit 'di ko mapigilang magtaka!
Tila ba, libong beses na akong nahagkan
ng iyong labi...
[Outro]
Ngayong gabi lang tayo unang nagkita...
Ngunit bakit tila hangin ka na lang?
Naglaho na ba?