[Male Vocal]
Kayo ang nakasama mula pagkabata
Nagbigay ng tunay na pagmamahal at alaga
At ang di ko naranasang kalinga
Inyong pinadama ng walang sawa
Pero ang lahat pala ay may wakas talaga
Ang lahat ay puros nalang alaala
Parang kahapon lang ng tayoy magkakasama
Lahat ay tawanan at kwentuhan anong saya
Mga pangaral nyong habang buhay kong madadala
Ngayon tayoy magkakahiwalay na
Kayo ang sakin ay inspirasyon
Kasama kayo sa lahat ng desisyon
Pangaral at pagmamahal nyo ang aking baon
Itong buhay ko san man ako dalhin
Kayoy patuloy kong mamahalin
Sandali lang bat ako nagkaganito
Di makausan di alam san patungo
Ang buhay ko nawalan ng kwento
Ang mundo ay biglang gumuho
Ng tayong tatlo ay di na buo
Ang isa ay tuluyan ng lumisan
Ang isa ay naiwan sa tahanan
At ako ngayon ay nakikipagsapalaran
Para sa mga pangarap natin
Ngayon unti unti ng napagtatagumpayan
Kayo ang sakin ay inspirasyon
Kasama kayo sa lahat ng desisyon
Pangaral at pagmamahal nyo ang aking baon
Itong buhay ko san man ako dalhin
Kayoy patuloy kong mamahalin