

Prompt / Lyrics
[Intro] [Verse] Madilim Ang paligid kahit may liwanag Kandila ka sa buhay ko ba't nawalan ng sinag Dati na sa akin ay nagbibigay inspirasyon Ngayon ay hinayaan mong 'di na makaahon [Verse] Kahit isipin ko pa ang ating nakaraan 'Di pa rin makuntento lalo lamang nasasaktan Wala nang umaawat sa mga mali at gulo Napabayaan nang lahat pati ang sarili ko [Chorus] Palubog na ang araw kahit 'wag nang lumitaw Wala nang halaga itong aking buhay Ngayong wala ka na ano pa ang gagawin? Ika'y napamahal na sa akin [Interlude] [Verse] Lahat ng kwento ko'y wala ng nakikinig Wala ng nangungurot kapag ako'y nangungulit Mga kanta na para lamang sa'ting dalawa Ngayo'y kinakanta kahit hindi ka na kasama [Chorus] Palubog na ang araw kahit 'wag nang lumitaw Wala nang halaga itong aking buhay... Ngayong wala ka na!!! ano pa ang gagawin!!! Ika'y napamahal na sa akin! [Bridge] Anong igaganda na ng miserableng umaga !!! Kung dilim ng kapighatian lang din dahil Wala ka na!!! Sobrang pagdurugo ng puso at pasakit ang nararamdaman Nababalot na ako ng kalungkutan! Nababalot ng kalungkutan!!! Kalungkutan!!!!! [Shout] [Crying] [Instrumental] [Intense] [Verse] Gusto kitang maramdaman tulad ng nakaraan Gusto ko 'yung nalulunod pa tayo sa kaligayahan Gusto kong marinig na tinatawag mo ako Miss ko na ang lahat-lahat sa"yo pati kilos at mga ginagawa mo
Tags
R&B Soul, Crying, shouting, heartbroken, depressed, anxiety, emotion, Male
4:00
No
10/14/2025