Bakit kaya ganoon? tanong ng puso kong, nagtataka.
Na sa tuwing kita'y nakikita,
puso ay lumulukso sa tuwa,
Hindi mapakali, at laging natataranta,
sa mga sulyap mo'y, ako ay nalilito at hiyang hiya.
Ayaw ko mang aminin sa aking sarili,
na may lihim akong pagtingin ,
sa isang katulad mo.
pero walang magawa ang puso ko,
na aminin itong lahat sa iyo.
At nung minsan muling nagtama ang
ating mga paningin,
para akong nahulog sa bangin.
ibang iba ka sa lahat ng nakilala ko,
promise, ikaw lang talaga ang
nagpa tibok ng puso ko.
At hindi kita maalis alis sa aking isip,
Kaya siguro kasama pa rin kita,
hanggang sa aking panaginip.
Kaya kung ikaw ay magtapat man
akin ng pag ibig, walang duda na
ang matamis kong oo,
ay iyong makakamit.