[Verse]
Hirap at lungkot sa buhay
Ang aking naranasan
Mga nakaraan tila walang patutunguhan
Mga tanong sa isip na
Walang kasagutan
Ito ba'y may hangganan
O tuluyan na sa kawalan
[Prechorus]
Ngunit biglang liwanag
Sa dilim ay umaninag
Pag-asa'y bumalik
Sa Pusong nananabik
[Chorus]
May panahon pa
Sa bawat naniniwala
Kung sa Kaniya tayo aasa
Liwanag ang darating
sa matagal na pagkahimbing
May panahon pa
Hawak lang hangang sa makakaya
[Verse 2]
Nakita ko ang iyong mga gawa
Sa hirap ng buhay ako ay
Kinalinga
Ikaw ang naging lakas sa bawat unos
Ang iyong biyaya ay di nauubos
[Prechorus]
Sa bawat pagsubok
Ikaw ang kasama
Sa bawat patak ng luha
Ikaw ang pagasa
[Chorus]
May panahon pa
Sa bawat naniniwala
Kung sa Kaniya tayo ay aasa
Liwanag ang darating
Kasabay ng pagbangon
May panahon pa
Hawakan lang hangang sa makakaya