Ako ay SI Juan
Salat sa kayaman
Dugot Pawis Ang puhunan
Upang Ang tiyan ay magkalaman
Silang mga nasa itaas
Hindi sila magiging patas
Ako Ang naghihirap
Habang para nilay nasa alapaap
Ako ay SI Juan
Pamilyay di sinusukuan
Magmula pa Ng isilang
Yan na Ang mulat sa lipunan
Isang malaking Tanong
Sa balikat Koy nakapatong
Ako Ang naghihirap
Bakit sila Ang umaangat
Ako ay SI Juan
Tamad kung sabihan
Dahil Wala daw pinag aralan
Hampas lupa kung turingan
Sino ba Ang tamad
Bakit Ako Ang nagpapakahirap
Sa kapal Ng aking palad
Sa bulsa NILA napapadpad
Tayong lahat ay SI Juan
Patuloy na pinagsasamantalahan
Dapat Tayo Ang nakikinabang
Sa lahat Ng Ating pinagpaguran
Silang mga mapagsamantala
Na lagging nakahiga lang sa kama
Salapi lang Ang sinasamba
Galing sa Ating mga pagdurusa
Tayo na mga Juan
Mamulat sa panahon
Mistulang walis natitipon
Sa mga basura Ng panahon
Ako at Tayo
Ang Juan na babangon
Ang babago Ng sitwasyon
Rebolusyon sa tamang panahon