Verse 1:
Sa bawat umaga, tawag Mo’y naririnig
Sa gitna ng hirap, Sapat ang yong Pag-ibig
Kahit pagod na ang puso at isipan
Hindi ako susuko, Ikaw ang dahilan
Pre-Chorus:
At sa bawat hakbang na aking tatahakin
Di magsasawa na ikaw ay sundin
Chorus:
Hanggat kaya ko, ako’y hahayo
Walang sasayangin, patuloy sayo
Luha man ay pumatak, puso ko’y di susuko
Hanggat may hininga, Hanggat may oras pa
Hanggat kaya ko, ako’y lalaban
Sa tawag Mo sa’kin, hindi uurungan
Kahit anong bagyo ang dumaan sa buhay ko
Hanggat kaya ko, maglilingkod ako
Verse 2:
Maraming pagsubok ang dumaan sa landas
Ngunit Iyong biyaya ay sapat sa bawat oras
Sa gitna ng dilim, Ikaw ang ilaw ko
Sa bawat kahinaan, Ikaw ang lakas ko
Pre-Chorus:
At sa bawat hakbang na aking tatahakin
Di magsasawa na ikaw ay sundin
Bridge:
Kung ako’y manghina, Kahit na madapa
Kung ako’y matumba, Pangako mong di mag-iisa
Hindi ko man alam ang bukas na darating
Basta’t Ikaw ang kasama, sapat na sa akin
Outro:
Hanggat kaya ko…
Hanggat may buhay pa…
Ikaw ang paglilingkuran